Muling tinanggihan ng Sandiganbayan ang mosyon ng mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ibasura ang P289 milyong malversation case na inihain laban sa kaniya kaugnay sa mga iregularidad sa flood control projects.
Sa sampung pahinang resolusyon, ipinaliwanag ng korte na ang kanilang motion for reconsideration ay pawang paguulit o muling paghahain lamang ng mga “argumento” na nasa kanila nang motion for leave to file a demurrer to evidence.
Saad pa sa resolusyon, pinag-aralan at pinagpasyahan na ng Korte ang mga nasabing argumento sa resolusyong gustong iparekonsidera.
Matapos aniyang suriin ang mga ebidensya ng prosekusyon at ang mga argumento ng bawat panig, napagpasyahan ng Korte na ang pagbibigay ng pahintulot na ibasura ang kaso ay magdudulot lamang ng pagkaantala at, dahil dito, ibinasura ang mga nasabing mosyon.
Sa kabila nito, sinabi ng anti-graft court na maaari pa ring maghain ang akusado ng kanilang demurrer to evidence nang walang pahintulot ng korte.
Samantala, kasunod ng pagbasura ng kanilang mosyon, nagbunsod ito para hilingin nila ang pagpapaliban ng trial at ipagpapatuloy sa Hunyo 30.










