Naibulsa ng world rank number 22 Norway ang isang heart-stopper na panalo kontra world rank number 19 Senegal sa score na (3-2 ) sa group I na ginanap sa New York New Jersey Stadium, East Rutherford.
Matatandaang unang naipasok ni Marcus Pedersen ng Norway sa ika-43 minuto ang unang goal nito sa pamamagitan ng low right footed finish.
Sinunduan naman ito Erling Haaland sa ika 48 minutes via open play goal sa bandang dulo dumagdagdag pa sya ng kanyang goal sa ika 76 minute via right footed finish na nag bigay sa kuponan ng kalamangan.
Samantala nagaling lamang kay Ismaïla Sarr ang opensa ng Senegal na kapwa nakapag tala ng dalawang goal sa ika 53 minute via open play goal at sa ika 90 minute sa pamamagitan ng late open goal subalit kinulang na sa oras at di na nila nagawang maitabla ang score.
Susubukan namang maka bawi ng Senegal sa susunod nilang laban at tatangkain naman ng Norway na maka kuha pa ng panalo sa torneo.










