Inihinto na ng actress-cosplayer na si Myrtle Sarrosa ang paghahanap sa kanyang nawawalang cellphone.

Sa kanyang social-media update, sinabi niyang humihingi umano ang may hawak ng kanyang CP ng halagang PHP40,000 bilang kapalit.

Ibingay pa raw ng tinutukoy niyang tao ang Gcash number nito para roon ipadala ang pera bago nito isauli ang kanyang cellphone.

--Ads--

Pero nagdududa na raw si Myrtle kung seryoso ba ang kausap niya dahil wala namang bibili ng locked phone.

Lalo pa raw nadagdagan ang duda ni Myrtle nang ialerto siya ng recovery emails niya tungkol sa tangkang buksan ang kanyang bank accounts at e-wallets.

HInala nito na may balak daw pala itong pasukin ang money accounts ni Myrtle.

Matatandaan na nawala ang kanyang cellphone nang dumalo siya sa ToyCon (The Philippine Toys, Hobbies and Collectibles Convention) sa SMX Convention Center sa Pasay City, noong June 13, 2026.