Dagupan City – Isinagawa ang pamamahagi ng libreng tulong gaya ng pagkain sa pamamagitan ng community pantry sa kabuuang 37 barangay ng bayan ng Rosales bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ngayong taon.
Inilaan ang nasabing gawain upang maibahagi ang munting tulong at biyaya sa mga residente sa iba’t ibang panig ng lugar.
Sa ilalim ng proyektong ito, nakatanggap ang mga bawat pamilya ng libreng gulay, itlog, at iba pang pangunahing pagkain na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Layunin ng inisyatiba na makapagbigay ng kahit kaunting ginhawa at suporta sa bawat kabahayan habang ipinagdiriwang ang kapistahan.
Nais din nitong ipaunawa na higit na nagiging makabuluhan ang pagdiriwang kapag may kapwa na natutulungan at naaabot ng tulong.
Siniguro ng lokal na pamahalaan na nasa maayos ang kaganapan upang masigurong ang tulong ay makakarating nang pantay sa bawat komunidad at lalo na sa mga nangangailangan.










