Nagbabanta ang mga serye ng pag-ulan sa maraming probinsiya sa Northwestern Luzon hanggang sa araw ng Linggo, June 7.

Batay sa pagtaya ng state weather bureau, apektado ang mga naturang lugar sa lumalakas na Southwest Monsoon at umiiral na bagyong Ester.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

--Ads--

June 5 – June 6:

100-200 mm: La Union, Pangasinan, and Zambales

50-100 mm – Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Benguet, and Bataan

June 6 – June 7:

50-100 mm: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, and Zambales

Kasabay nito ay pinaalalahanan ng weather bureau ang mga local disaster risk reduction and management office sa mga nabanggit na lugar na bantayan ang mga mababa at bulubunduking lugar dahil sa posibleng pagtaas ng tubig sa mga kailugan at mga serye ng pagguho ng lupa. //via Bombo Everly Rico