Dagupan City – Nagsasagawa ng operasyon ang Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan City para ipatupad ang tricycle ban at multahan ang mga nahuhuli sa paglabag sa “beating the red light” sa Downtown area.

Simula kahapon, umabot na sa mahigit 50 ang mga sasakyan at drayber na natiketan sa mga operasyong isinagawa ng POSO.

Mapapatawan ng kaukulang multa ang mga lumalabag na nagkakahalaga ng 200 pesos bawat paglabag.

--Ads--

Ipinatupad ang operasyon upang tiyakin ang maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga mamamayan sa mga daanan ng Downtown area.

Binibigyang-diin ng lokal na pamahalaan na mahalaga ang pagsunod sa mga batas trapiko para maiwasan ang mga aksidente at mapabuti ang daloy ng mga sasakyan sa lungsod.