Dagupan City – Nagsagawa ng police visibility at traffic assistance operations ang mga tauhan ng Binmaley Police Station noong Mayo 24, 2026 sa iba’t ibang bahagi ng bayan ng Binmaley.

Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL Lister A. Saygo upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko, kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Layunin din ng operasyon na masiguro ang maayos na daloy ng trapiko para sa kaginhawaan ng mga motorista at commuters, lalo na sa mga mataong lugar at pangunahing lansangan sa bayan.

--Ads--

Patuloy namang pinaigting ng Binmaley Police Station ang kanilang presensya sa mga pampublikong lugar bilang bahagi ng kampanya laban sa kriminalidad at upang makapagbigay ng agarang tulong sa mga mamamayan na nangangailangan ng asistensya.