Inihayag ni Batangas Rep. Gerville Luistro na magpapatuloy ang impeachment trial laban kay VP Sara Duterte kahit hindi ito personal na dumalo sa mga pagdinig sa Senado.

Ayon kay Luistro, nakasaad sa Senate impeachment rules na maaaring ituloy ang paglilitis kahit hindi magsumite ng sagot o hindi humarap ang bise presidente at ang kanyang legal team.

Aniya, awtomatikong ituturing na “not guilty” plea ang hindi pagdalo ni Duterte sa paglilitis.

--Ads--

Binigyang-diin din ni Luistro na maaaring maging “disadvantageous” sa depensa ni Duterte ang patuloy na pagliban nito dahil mahalaga ang pagharap at pagsagot sa mga alegasyon sa impeachment proceedings.

Nauna nang sinabi ng kampo ni Duterte na nakadepende sa pangangailangan ng korte ang pagdalo ng bise presidente sa impeachment trial. \ Via Bombo Analy Soberano