Sabi nga ng isang awtor na si Roy Bennett, “Goals are road maps.”, ngunit tila niliteral ito ng isang driver mula United Kingdom.
Nahaharap sa mga seryosong kaso ang hindi kinilalang driver na maaaring mauwi sa pagkakakulong matapos itong mahuli sa aktong nagmamaneho habang may football net sa itaas ng kaniyang sasakyan.
Mapapansin sa video ang pagpapatigil ng mga awtoridad sa isang sasakyan na may fully assembled goal sa itaas na bahagi nito.
Sinabi ng mga awtoridad na hindi ito ligtas at maaaring magdulot ng aksidente sa kalsada.
Saad pa nila, ang pagmamaneho sa UK na may hindi ligtas na kargada ay tinuturing na ilegal at delekado.
Nabawasan naman ng tatlong puntos ang lisensya ng drayber at pinagmulta ito ng halagang £120 (halos P10,000) at karagdagang £48 (halos P4,000) bayad para sa biktima.










