Mahigit 12,000 pamilya sa bayan ng Calasiao ang nakatanggap ng libreng ayuda sa pamamagitan ng programang “Community Market” bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang kapistahan.
Ayon kay Calasiao Mayor Patrick Agustin Caramat, layunin ng naturang programa na gawing mas makabuluhan ang selebrasyon ng Fiesta sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para direktang matulungan ang mga mamamayan, lalo na ang mga market vendor at mga nasa transport sector.
Ipinaliwanag ng alkalde na ang naturang inisyatiba ay hindi lamang para sa kasiyahan ng kapistahan kundi upang maibsan din ang pang-araw-araw na gastusin ng mga residente at maipamahagi ang tulong sa mga sektor na higit na nangangailangan.
Humingi rin ng paumanhin ang lokal na pamahalaan sa mga hindi nabigyan ng ayuda, at nilinaw na ang mga nabigyan ay mga mas nangangailangan sa komunidad.










