Nalagpasan ng Philadelphia 76ers ang do-or-die na Game 5 laban sa Boston Celtics.
Ipinoste ng Sixers ang 28-11 run sa fourth quarter upang agawin ang panalo sa Boston, gamit ang 16 points na kalamangan.
Dinumina kasi ng Celtics ang unang dalawang quarter ng naturang laban ngunit nagawa ng Phila na ibaba ang kalamangan pagsapit ng 3rd quarter.
Hindi na nakabawi pa ang Boston sa fourth quarter, matapos itong dumanas ng defensive breakdown at nilasap ang 28-11 run sa buong 12 mins.
Pinangunahan ni Sixers center Joel Embiid ang comeback win ng Phila sa kaniyang 33 points at walong assists habang 25 points at 10 rebounds naman ang naging kontribusyon ng guard na si Tyrese Maxey.
Parehong ibinabad sa 41 mins ang Boston dou na sina Jayson Tatum at Jaylen Brown ngunit nabigo ang mga ito na pigilan ang bigtime comeback.
Tanging 22 points lamang ang nagawa ni Brown sa matapos malimitahan sa siyam na field goals habang 24 points naman ang kontribusyon ni Tatum, kasama ang 16 rebounds.
Babalik na sa homecourt ng Sixers ang ika-anim na laban sa pagitan ng dalawa, na isa pa ring do-or-die game, 3-2.










