DAGUPAN CITY- Pressure sa US-Iran war ang nakikitang ugat ng isang geopolitical observer sa pagkalas ng United Arab Emirates (UAE) sa Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) at OPEC+.
Ayon kay Denmark Suede, Geopolitical observer, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, isa sa naging target ang Estados Unidos ang UAE at hindi ito nakatanggap ng tulong militar mula sa Gulf Cooperating Council (GCC).
Ang GCC ay binubuo ng Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar, Saudi Arabia, at ang UAE.
Habang pinapangunahan naman ng Saudi Arabia ang OPEC at nagsisilbi bilang cartel ng langis, partikular noong 1972 nang nai-boycott ito.
Samantala, kung mangyari ito muli, ang pagboycott, malaking kabawasan ito sa kanilang kapangyarihan.
Malaking bagay naman umano para sa US kung tuluyang mabuwag ang naturang organisasyon at sumusunod lamang ang Saudi Arabia sa hiling ng nasabing bansa.
Kaugnay ito sa naging kasunduan noong 1972 na langis ang magiging kapalit ng matatanggap na proteksyon mula militar.
Dagdag naman ni Suede, hindi na bago ang pagkalas ng ibang bansa, katulad ng Ecuador at Indonesia, sa OPEC.










