DAGUPAN CITY- Humarap na sa hukuman ang suspek sa likod ng insidente sa White House Correspondents’ Dinner sa Washington D.C. kamakailan at patuloy iniimbestigahan ang motibo nitong pagtangkang pamamaril kay US President Donald Trump.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Isidro Madamba Jr., Bombo International News Correspondent sa California, USA, kinilala ang suspek na si Cole Tomas Allen, 31, isang guro, at residente ng Torrance, California.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong pagtangkang pagpaslang kay Trump at dalawang kaso ng paglabag sa batas ng baril.
Nakitaan si Allen ng mga matutulis na patalim at mga baril, bagay na nagkumpirma sa motibo nitong pamamaril sa pangulo.
Ayon kay Madamba, sa dinaraanan pa lamang ng seguridad nang maenkwentro ang suspek at ito ay may kalayuan pa sa mismong kinaroroonan ni Trump.










