Nanindigan ang Philippine Army na bukas sila sa anumang imbestigasyon kaugnay sa madugong encounter sa Toboso, Negros Occidental, kung saan kabilang sa 19 na nasawi ay dalawang Amerikano, isang lider-estudyante, at isang lokal na mamamahayag.
Iginiit ng militar na isang lehitimong operasyon ang nangyari noong Abril 19, 2026, na ikinasa umano bilang tugon sa paghingi ng tulong ng mga lokal na residente.
Tinukoy ng mga awtoridad ang 19 na nasawi bilang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
--Ads--
Kasunod nito, nanawagan ng hustisya ang komunidad ng University of the Philippines (UP) Visayas para sa kanilang nasawing student leader










