Ibinahagi ni Kiray sa Facebook ang emosyonal na video kung saan makikitang siya ay nag-pregnancy test.

Nang lumabas ang positibong resulta, hindi napigilan ni Kiray ang kanyang luha—isang tunay na reaksyon ng isang magiging unang beses na ina.

Tinawagan niya agad si Stephan, na una’y nagulat ngunit kalaunan ay napuno ng tuwa at emosyon.

--Ads--

Sa huling bahagi ng video, ipinakita ni Kiray ang ilang positibong pregnancy tests bilang patunay ng kanilang matagal nang inaasam na biyaya.

Sa caption, isinulat ni Kiray: “Ikaw ang pinakamatamis na sagot sa lahat ng panalangin namin.”

Samantala, sa hiwalay na post, ibinahagi rin ni Stephan ang kanilang kasiyahan. Sa isang video, ipinakita nila ang kanilang birth years na nakasulat sa kamay, at sa gitna nito ay ang sonogram ng kanilang anak na may markang “2026.”

Maraming tagahanga ang agad nagpaabot ng pagbati sa aktres.

Matatandaang ikinasal sina Kiray at Stephan noong Disyembre 13 sa Shrine of St. Therese, Newport, Pasay City.