Dagupan City – Pinabulaanan ng pamahalaang lungsod ng Dagupan ang mga paratang na ang pagsasara ng dating tambakan sa Barangay Bonuan Gueset ang dahilan ng pagdami ng basura sa ilang lugar.

Ayon sa LGU, tuloy-tuloy ang maayos na koleksyon at disposisyon ng basura.

Nauna nang nagpahayag ng reklamo ang ilang residente, partikular sa Bonuan Binloc, dahil sa naipong basura matapos isara ang lumang dumpsite.

--Ads--

Paliwanag ng Waste Management Division, dinadala na ngayon ang basura diretso sa landfill sa pamamagitan ng mga materials recovery facility (MRF) ng barangay at pinoproseso sa isang pribadong pasilidad sa Urdaneta City.

Paulit-ulit ding pinaalalahanan ang mga barangay na huwag nang gamitin ang saradong tambakan at gamitin lamang ito bilang MRF.

Bagama’t regular na nililinis ang lugar, mabilis itong napupuno muli dahil sa maling pagtatapon at kakulangan sa segregasyon ng basura, pati na rin sa mga taong ilegal na nagtatambak.