Inaasahan na mapapabilis ang pagpapauwi sa bansa kay dating Ako Bicol Representative Zaldy Co matapos itong maaresto sa Prague, Czech Republic.
Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, Constitutional law expert sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, mula pa noong December ay sinabi ng ghobyerno na nakansela na ang Philippines passport niya kaya kahit saan man siya ay magiging illegal ang kanyang pananatili.
Ang mangyayari aniya ay makikipag-ugnayan ang pamahalaan ng Pilipinas sa Czech government upang maisagawa ang mga legal na hakbang para sa kanyang agarang pagbabalik sa bansa upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya sa korte.
Ang pangyayari aniya ay nagpapatunay na hindi itinatago ng gobyerno si Co dahil mismong si pangulong Ferdinand Marcos Jr.ang nag anunsyo ng pagkakaaresto sa kanya.
Sa kanyang pagbabalik ay inaasahan na ang pag-usad na ang kaso para mapanagot ayon sa ibidensya galing sa mga DPWH personnel na ilalahad ng ombudsman.
Matatandaan naaresto si Co sa Czech Republic matapos umano itong pumasok sa nasabing bansa nang walang tamang dokumento.










