Hindi bababa sa apat na barkong may kaugnayan sa Iran kabilang ang dalawa na dumaan sa mga pantalan nito ang tumawid sa Strait of Hormuz nitong Martes, kasunod ng pagsisimula ng blockade na ipinatupad ng United States.

Tatlo pang iba ang naiulat ding dumaan sa mahalagang rutang pangkalakalan.

Mariing kinondena ng Ministry of Foreign Affairs of China ang naturang blockade, na tinawag nitong “mapanganib at iresponsable.”

--Ads--

Nagsimula ang blockade noong Lunes at ayon kay US Vice Pres. JD Vance, inaakusahan ang Iran ng “economic terrorism,” at iginiit niyang “kayang gawin ng dalawang panig ang ganitong hakbang.”

Sa panig ng militar ng Estados Unidos, sinabi nitong “hindi nito hahadlangan” ang mga barkong dumadaan papunta at mula sa mga pantalan na hindi sakop ng Iran.

Gayunpaman, iginiit ng Iran na ang blockade ay isang paglabag sa soberanya nito.

Sa hiwalay na usapin, inaasahang magkakaroon naman ng direktang pag-uusap ang mga opisyal mula sa Lebanon at Israel sa Estados Unidos sa mga darating na araw.