Tiniyak ng Department of Energy (DOE) ang sapat na supply ng LPG sa Pilipinas, sa gitna pa rin ng mataas na presyo ng krudo sa bansa. 

Sa press briefing sa Malacañanh, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na bagamat tumigil sa pagi-export ang ilang major producer ng LPG, agad na nakahanap ng alternatibong source ang pamahalaan at mga kumpaniya ng langis sa Pilipinas. 

Mahalaga aniya ito, lalo’t hindi lamang sa bahay ginagamit ang LPG, bagkus ay maging sa commercial establishments tulad ng restaurants. 

--Ads--

Bukod aniya sa China at Hongkong, nakahanap ng supplier ang mga kumpaniya hanggang Australia at Estados Unidos, at sa kasalukuyan, ay nakakakuha na ang bansa ng supply mula sa mga ito. 

Bagamat hindi pa aniya komportable ang bilang na ito, gumagawa na ng paraan ang Philippine National Oil Company (PNOC), tulad ng nakatakdang pag-procure ng isang vessel, para matulungan ang mga kumpaniya, sa pagpapatatag pa ng LPG supply sa bansa.