DAGUPAN CITY- Buong nakahanda na ang mga awtoridad ng Alaminos City sa pagdagsa ng mga turista sa Hundred Island National Park ngayong ginugunita ang Holy Week.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Miguel Sison, Tourism Officer, inaasahan na nila ang hindi inaasahan kaya naman todo ang kanilang ginagawang paghahanda.
Sa katunayan aniya, naging maaga ang kanilang pagsasaayos ng mga kinakailangan.
Kung pagbabatayan ang bilang noong nakaraang taon ay umabot ng 3,000 ang bilang ng mga bisita sa Maundy Thursday, higit 6,000 sa Good Friday, umabot ng 8,000 sa Black Saturday, at may pagbaba sa 3,000 ng Easter Sunday.
Samantala, nagsagawa sila ng adjustment ngayong semana santa partikular na sa mga serbisyo ng motor boat.
Aniya, sa ilalim ng kakalabas na ordinansya, magkakaroon sila ng pansamantalang pagtaas sa presyo ng boat trades para sa April 2-5.
Ibinahagi naman ni Sison ang free ride ng bus sa kanilang syudad sa tuwing 6:00AM, 6:30AM, at 7:00AM papuntang bayan at may pagbalik ng 4:00PM, 4:30PM, st 5:00PM.
Ito ay bilang tulong na rin sa kanilang nasasakupan.










