Hindi bababa sa 70 katao ang nasawi at higit 30 ang sugatan sa isang gang massacre sa rehiyon ng Artibonite, sa Haiti.

Sa opisyal na record, umabot naman sa 16 kapulisan ang kumpirmadong nasawi at 10 ang sugatan.

Tumakas naman ang halos 6,000 residente mula sa mga pag-atake sa bayan ng Jean Denis at Pont Sonde.

--Ads--

Kinondena ni Garry Doriscat, communications officer ng Defenders Plus, ang pag-atake at sinabing ito ay paglaabg sa karatan sa buhay at seguridad.

Kaniya naman inakusahan ang pamahalaan ng Haiti ng di umano’y lantad na pakikipagsabwatan dahil sa walang pagkibo ang mga ito.

Samantala, umabot sa mahigit 50 kabahay ang natupok ng sunog at ang mga pamilyang lumikas ay napilitang magtungo sa karatig-bayan.

Tinukoy naman ng pambansang pulisya ng Haita na ang “Gran Grif” gang ang nagsagawa ng pag-atake, partikular na sa Jean Denis.

Hindi agad nakaresponde ang mga kapulisan dahil sa gumawa ng harang ang naturang gang.