Dagupan City – Inaresto ng mga awtoridad ang pitong indibidwal kamakailan sa Barangay Poblacion West bayan ng Agno, Pangasinan, dahil sa ilegal na pangongolekta ng mga endangered na halaman.

Ayon sa Municipal Environment and Natural Resources Officer, nahuli ang mga suspek habang pinapangalakal ang 18 na uprooted na Kamuning Bilog at inihahanda nang ilagay sa puting L300 van.

Lahat ng nahuling suspek, na residente ng Agno at Anda ay hindi makapagpakita ng legal na dokumento para sa kanilang aktibidad.

--Ads--

Dinala sila sa Agno police station para sa dokumentasyon at legal na proseso.

Ang mga nakuhang halaman ay isusumite sa Department of Environment and Natural Resources sa Alaminos City para sa pangangalaga.

Pinayuhan ng mga awtoridad ang publiko na bawal ang pangongolekta, transportasyon, o pagbebenta ng protektadong wildlife at halaman nang walang kaukulang permit.