Inaresto ang dalawang lalaki sa London dahil sa hinalang salarin sa pagsunog sa apat na ambulansya na pag-mamay ari ng Jewish charity at may intensyong mag dulot ng panganib sa buhay.
Kamakailan lamang nang mangyari ang pagsunog sa mga ambulansya sa Golders Green, isang insidente na itinuturing bilang antisemitic hate crime.
Kabilang sa mga inaresto ng Metropolitan Police sa north-west London ay ang 47-taon gulang na lalaki at isang 45 anyos na lalaki sa central London, parehong British nationals.
--Ads--
Ayon sa mga awtoridad sa malaking development ang pagkakahuli ng dalawang lalaki subalit, patuloy pang iniimbestigahan ang ikatlong lalaki na nakita sa CCTV footage.










