Naghatid ang pamahalaang lungsod ng San Carlos ng City Government Wellness Mission 2026 sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyong pangkalusugan para sa mga kawani ng pamahalaan.

Kabilang sa mga serbisyong inilapit sa mga empleyado ang bloodletting activity, libreng eye check-up at pagpapagawa ng salamin, pamamahagi ng mga gamot, at mobile X-ray services.

Mayroon ding dental at medical services na direktang ibinigay upang mas mapadali ang access ng mga kawani sa kinakailangang pangangalaga sa kalusugan.

--Ads--

Ayon sa alkalde na si Mayor Julier Rusuello, layunin ng programa na mabigyan ng sapat na atensyon at tulong ang mga empleyado kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng pagbibigay-pansin sa kalusugan ng mga kawani sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na medical, dental, at iba pang serbisyong pangkalusugan.

Inaasahang magpapatuloy ang mga kahalintulad na programa upang higit pang mapalakas ang serbisyong ibinibigay sa mga empleyado.