Isiniwalat ng isang Pilipinong inaresto dahil sa umano’y espionage na inatasan siyang magbigay ng impormasyon tungkol sa operasyon ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea, pati na rin sa Balikatan Exercises.
Ayon sa suspek na kinilalang alyas “Danny,” isa siya sa tatlong Pilipinong nahaharap sa kasong espiya para sa China. Una umano niyang inakala na nakikipag-ugnayan siya sa isang American journalist, ngunit kalaunan ay humantong ito sa paghingi ng sensitibong impormasyon.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang naturang kaso habang patuloy ang pagpapaigting ng seguridad kaugnay ng mga aktibidad sa West Philippine Sea at mga joint military exercises ng bansa.
--Ads--










