Natanggap na ni Vice President Sara Duterte ang imbitasyon ng House Committee on Justice para dumalo sa pagdinig sa Marso 25 ukol sa dalawang impeachment complaints laban sa kaniya.
Ayon sa abogado nito na si Atty. Michael Poa, na hinihintay pa nila ang desisyon ng Bise Presidente kung ito ay dadalo.
Natitiyak niya na ginagabayan siya ng kaniyang mga abogado sa anumang desisyon nito.
Sinabi naman ni Committee on Justice Chairperson Gerville Luistro , na ang pagdalo ni Duterte ay para masagot niya ang akusasyon subalit desisyon pa rin ito ng Bise Presidente.
Dagdag pa ng mambabatas na ang hindi pagdalo ng Bise Presidente ay lalong magdadagdag ng tsansa na maipadala na sa Senado ang kaso para sa pagdinig.
Kasabay din nito ay kanilang naimbitahan ang mga complainants sa impeachment.










