Nagbanta ang Iran na magsasagawa ito ng pag-atake sa mga pasilidad ng langis at gas sa Gulf region bilang pagganti mula sa air strike ng Israel sa kanilang South Pars gasfield.

Ayon sa opisyal ng Iran, limang pasilidad sa Saudi Arabia, United Arab Emirates, at Qatar ang kanilang target sa susunod na mga oras.

Partikular na rito ang SAMREF refinery at Jubail petrochemical complex sa Saudi Arabia, Al Hosn gasfield sa UAE, at Laffan refinery at Mesaieed petrochemical complex sa Qatar.

--Ads--

Ang South Pars field ay ang pinakamalaking gasfield sa buong mundo na matatagpuan sa probinsya ng Bushehr sa Iran.

Sinabi ng Ministry of Petroleum ng Iran na ilan sa mga pasilidad sa naturang lugar ay napinsala subalit, walang naitalang kaswalidad.