Nagsumite na ng pormal na sagot si Vice President Sara Duterte sa dalawang impeachment complaints na inihain laban sa kanya sa House Committee on Justice.
Ayon kay Committee member at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, naipasa ng Bise Prssodente ang kanyang reply alas-4:30 ng hapon nitong Lunes.
Ayon sa patakaran ng impeachment proceedings, may 10 araw ang respondent upang sagutin ang reklamo matapos matanggap ang abiso.
Dahil natanggap ni VP Sara ang notice noong Marso 5, ang deadline sana ay Marso 15 ngunit pinalawig hanggang Marso 16 dahil tumapat ito sa Linggo.
Sa ilalim ng House rules, may tatlong araw ang mga complainant upang tumugon sa sagot ng respondent, habang may karagdagang tatlong araw ang respondent upang magsumite ng rejoinder kasama ang mga affidavit at ebidensya.
Sa kasalukuyan, dalawa sa apat na impeachment complaint ang nananatiling dinidinig ng justice panel matapos isantabi ang una dahil sa one-year bar rule at bawiin ang ikalawang reklamo.
Kabilang sa mga paratang laban sa Bise presidente ang umano’y maling paggamit ng confidential funds at iba pang posibleng paglabag sa 1987 Constitution.










