Aminado si Barbie Forteza na isa sa mga proyektong pinagsisihan niya ay ang isang teleserye na umere noong 2019.

Napag-usapan ito nang maging guest siya kasama sina Cherry Pie Picache at Jodi Sta. Maria sa isang sikat na podcast kung saan tinalakay nila ang kanilang karera at mga proyekto sa showbiz.

Isa sa mga pangunahing paksa ng kanilang usapan ay ang mga proyekto na sa tingin nila ay hindi nag-work para sa kanilang pabor ngunit marami silang natutunan mula rito.

--Ads--

Para umano kay Barbie, kabilang sa mga ito ang nasabing teleserye kung saan ang kanyang karakter ay kadikit ang ulo ng kakambal na ginampanan naman ni Mika Dela Cruz, at magkahati pa sila ng katawan.

Bagama’t mahirap gawin ang naturang karakter, nakatulong naman umano ang serye para mabayaran ang kanyang mga bills.

Samantala, nagbigay rin ng opinyon ang kanyang mga co-guest tungkol sa kahalagahan ng pagbibigay ng buong husay sa proyekto kahit hindi ito perpekto para sa isang artista.

May biro rin si Cherry Pie Picache na handa na siyang tanggihan ang ganoong klaseng proyekto sa hinaharap.