DAGUPAN CITY- Nagpaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) Dagupan City sa pag-iingat upang makaiwas sa sunog.
Ayon kay FCINSP, Jhun Eland Wanawan, City Fire Marshall, isa sa mga nagdudulot ng insidente ng sunog ay ang init ng panahon, partikular na sa pagkakaroon ng grass fire.
Aniya, isa sa pamamaraan upang makaiwas ay ang pagtigil sa open burning at pagsusunog ng kung ano-ano, lalo na sa lugar na may mga tuyong damo.
Bukod pa riyan, tiyakin naman na dumaan sa pagsusuri ng kaukulang ahensya ang mga binibiling ahensya upang maiwasan naman ang sunog sa kabahayan.
Dapat makitaan ito ng katunayan na dumaan sa quality check at rehistrado sa Department of Trading Industry (DTI).
Iwasan din ang pagbili ng mga alanganing produkto.
Paalala ni Wanawan, sa oras na magkasunog ay agad itong itawag sa BFP upang maiwasan ang pagkalat ng sunog.
Binigyan halaga niya ang pagkakaroon ng fire extinguisher para sa agarang aksyon tuwing may sunog.










