DAGUPAN CITY- Posibleng asahan ang ilang pagbabago sa isasagawang mga aktibidad sa selebrasyon ng ‘Bangus Festival’ ngayon taon, 2026.

Ayon kay Coun. Michael Fernandez, sa regular session ng Sangguniang Panglungsod ng Dagupan, ipinahayag niyang orihinal na isinasagawa lamang ang mga aktibidad sa Downtown subalit, nagkakaproblema dahil sa sikip at init.

Dahil dito, inilipat ng city government sa De Venecia Highway ang Street Party, habang may ibang kaganapan din sa Tondaligan Beach.

--Ads--

Mananatili naman gaganapin ang Gilon Gilon sa Downtown.

Sa pamamaraang ito ay mabibigyan daan rin ang mga oportunidad sa ekonomiya mula sa iba’t ibang lugar sa syudad.

Kaugnay nito, kabilang pa rin sa mga trade fares ang mga iba’t ibang negosyong kainan at mas matitiyak na mangunguna ang mga residente ng syudad sa kaganapan.

Binigyan linaw naman ni Coun. Fernandez na magkakaroon pa ng pagsasaayos sa isinusulong na trade fare, kabilang na ang pagsasara sa ilang mga daanan.

Aniya, hindi pa pumuputok ang Middle East war nang isinulat ito ni Coun. Lino Fernandez.

At dahil nagkakaroon na ng epekto ang gyera sa ekonomiya, ipapabilang nila ito sa mga dapat ikonsidera.