Tumaas ng aabot sa 2.11 million metric tons ang kabuuang rice stocks inventory ng bansa hanggang Pebrero 1, 2026

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nagpapakita ito ng annual increase na 5.3 percent mula 2.01 million metric tons inventory sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Month-on-month, ang dami ng rice stocks inventory ay nagtala ng 9.8 percent na pagbaba mula sa naunang buwan na imbentaryo na 2.34 million metric tons.

--Ads--

Ang rice stocks inventories noong Pebrero ay nagtala ng annual increases mula sa NFA depositories ng 45.8 percent at mula sa households ng 13.2 percent. Samantala, naitala ang annual decrease mula sa commercial sector ng 14.2 percent.

Kung ihambing sa January 2026 rice stocks levels, naitala ang pagbaba mula sa households ng 13.8 percent, mula sa commercial sector ng 7.9 percent, at mula sa NFA depositories ng 3.9 percent.

Sa kabuuang rice stocks noong Pebrero, 42.6 percent ang nagmula sa households, 37.5 percent sa commercial sector, at 20.0 percent sa NFA depositories.

Samantala, ang kabuuang corn stocks inventory ng bansa hanggang Pebrero 1, 2026 ay umabot sa 573.04 thousand metric tons.

Ito ay nagpapakita ito ng annual increase na 27.0 percent mula 451.19 thousand metric tons inventory sa kaparehong panahon noong 2025.