Handang makapulong ni US President Donald Trump si Russian President Vladimir Putin.

Sinabi nito na hindi niya ipagkakait ang pagkakataon na magkausap silang dalawa.

Kapwa magtutungo kasi sina Trump at Putin sa China kung saan sila ay bisita ni Chinese President Xi Jinping.

--Ads--

Maging aniya si North Korean President Kim Jong Un ay magtutungo rin sa China.

Dagdag pa ni Trump na kaniyang pipilitin ang Russia at North Korea na sumali na rin para hikayatin ang Iran na tapusin na ang giyera.