Mga Kabombo! Pangarap mo bang magmaneho ng sports car?
Nais mo bang magkaroon ng sariling Porsche balang araw?
Pero napakamahal ba nito para sa’yo? Paano kung may mas maliit pero halos kasing saya itong imaneho?
At maniniwala ka bang may mini sports car na kayang umabot ng 100 km/h?
Usap-usapan ngayon online ang miniature version ng Porsche 964 na tinatawag na “Junior Porsche,” na nagkakahalaga ng mas mababa sa $9,000.
Kahit maliit, may lakas ito dahil sa 3,000W–4,000W electric motor at kayang tumakbo ng hanggang 100 km/h, dahilan para maging patok ito sa drifting videos na nag-viral sa Kuwait.
Ang kakaibang sasakyan ay gawa ng Shanghai-based studio na End of S.T.A.Y. Automotive sa Shanghai, na kilala sa paggawa ng “junior” versions ng mga sikat na sports car.
Bukod sa mini Porsche 964, mayroon din silang maliliit na bersyon ng Toyota Sprinter Trueno AE86, Mazda RX-7, at Nissan GT-R R34.
May haba itong humigit-kumulang 2.2 meters, kayang buhatin ang hanggang 300 kilo, at puwedeng i-customize ang kulay, interior, at wheels.
Ngunit kung maaari itong gamitin sa kalsada, nakadepende pa rin umano ito sa batas ng bawat bansa.










