Dagupan City – Itinanghal na Miss Hundred Islands 2026 – North Central Luzon si Jorgina Rose Dela Cruz ng Binmaley sa ginanap na coronation night bilang isa sa mga tampok na kaganapan ng Hundred Islands Festival 2026 sa Alaminos City.
Nilahukan ng 18 kandidata mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Pangasinan ang patimpalak kung saan ipinamalas nila ang kanilang kagandahan at talino habang naglalaban para sa korona at sa tungkulin bilang Tourism Ambassador ng lungsod.
Bukod sa bagong koronang reyna, kinilala rin bilang Miss Hundred Islands – Tourism 2026 si Estaphanie Ladignon ng Alcala at Miss Hundred Islands – Environment 2026 si April Mae Flores ng Alaminos City.
Itinanghal namang 1st Runner-Up si Rose Marie Erang ng Rosales habang 2nd Runner-Up si Rose Marie Medina ng Pampanga.
Matapos ang koronasyon ay nagsagawa ng press conference ang bagong Miss Hundred Islands 2026 sa City Tourism Office upang ibahagi ang kanyang mga plano bilang kinatawan ng turismo ng lungsod.










