Dagupan City – Inaresto ang tatlong tao sa magkakasunod na operasyon kontra sa iligal na droga sa Dagupan City.
Unang ikinasa ang buy-bust operation pasado alas-dose ng hating gabi sa Barangay Malued, kung saan naaresto ang isang ginang na isang laundry worker kung saan nakuha sa kanya ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 3 gramo at may halagang ₱20,400.
Sumunod naman ang operasyon pasado alas-tres ng madaling araw sa Barangay Salisay, kung saan nahuli ang isang ginang na nagbenta rin ng shabu at nakumpiska sa kanya ang isang sachet na may timbang na 1.5 gramo na nagkakahalaga ng ₱10,200.
Sa Pangatlong operasyon ay isinagawa naman pasado alas-otso ng umaga sa Barangay Dos at Tres, na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang lalaki na nagbebenta rin ng shabu kung saan nakumpiska sa kanya ang isang sachet na may timbang na 1.3 gramo at nagkakahalaga ng ₱8,840.
Sa kabuuan nasa 5.8 na gramo ang nakumpiska na nagkakahalaga ng 39,440 pesos.
Sa kasalukuyan, nahaharap na sa kaukulang kaso ang mga nahuling suspek.
Patuloy ang operasyon ng pulisya upang mahuli at mapanagot ang mga nagbebenta ng iligal na droga sa lungsod.










