Ibinasura ng U.S. Senate ang War Powers Resolution na layong limitahan ang kapangyarihan ni US pres. Donald Trump na magsagawa ng karagdagang aksyong militar laban sa Iran. Sa botong 47–53, hindi nakalusot ang panukala na inihain ng mga Democrat at ilang independents.
Sa naging botohan, Sen. John Fetterman ang tanging Democrat na bumoto laban sa resolusyon, habang Sen. Rand Paul naman ang nag-iisang Republican na sumuporta rito.
Ayon sa mga tagapagtaguyod ng panukala, layunin nitong pigilan ang White House na magsagawa ng military strikes nang walang pahintulot ng Kongreso.
Ito na ang ikalawang pagkakataon sa loob ng isang taon na muling isinulong ni Sen. Tim Kaine ang War Powers Resolution kaugnay ng Iran, sa gitna ng patuloy na tensyon at pangamba sa posibleng pagdami ng American casualties.
Sa kabila ng pagkatalo, iginiit ng mga Democrat na mahalagang ipakita ang checks and balances sa kapangyarihan ng pangulo.
Bago pa man ang hakbang sa Senado ng America, naging matindi na ang sagupaan ng US at Iran simula noong weekend, kung saan matapos ang pag-atake ng Estados Unidos, ginantihan naman ng Tehran ang mga kaalyadong bansa ng West, kabilang na ang Qatar, UAE, Saudi at iba pang bansa sa Middle East. VIA Dennis Jamito










