Kinumpirma ng US Central Command (CENTCOM) na nawasak nila ang 11 Navy ships ng Iran sa inilunsad na serye ng strikes.
Ayon sa US military, sa nakalipas na dalawang araw, mayroong 11 barkong pandigma ang Iranian regime sa Gulf Of Oman, subalit ngayong araw ay “zero” na ito.
Ibinahagi rin ng US CENTCOM ang video na nagpapakita ng isa sa mga inilunsad nilang pag-atake sa naval fleet ng Iran.
Ayon pa sa US military, sa loob ng maraming dekada, hinarass at inatake ng Iranian regime ang international shipping sa Gulf of Oman. Idineklara rin ng US military na natapos na ang mga araw ng pagmamalupit ng Iran.
“Freedom of maritime navigation has underpinned American and global economic prosperity for more than 80 years. US forces will continue to defend it,” pagtitiyak ng US military.










