DAGUPAN CITY—Ibinahagi ng Alumni President at Lead Organizer ng Alpha Phi Omega (APO) Alumni Association na si Bong Domantay ang nalalapit nilang event sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa kanya, mandato ng kanilang organisasyon ang makatulong sa komunidad. Kabilang sa kanilang mga programa ang medical mission, dental mission, libreng pagupit, at feeding program.
Inihayag na magsisimula ang kanilang event bukas ng alas-7 ng umaga sa Villasis, sa isang school venue kung saan ilalatag ang kanilang mga commitment nila sa mga barangay. Dito rin nila isasagawa ang medical mission, feeding program, at libreng pagupit.
Magkakaroon din ng dental mission at pamimigay ng mga basic na gamot tulad ng paracetamol.
Bukod sa medical at dental missions, nagsasagawa rin ang grupo ng coastal cleanup para sa kalinisan ng shoreline, pamimigay ng kandila at tubig tuwing Undas, at paglalagay ng medical assistance sakaling may mahilo at mangailangan ng first aid.









