Puspusang aksyon ang isinasagawa ng mga mango farmers sa Pangasinan upang maiwasan ang pamemeste o pagkasira ng mga manggahan sa lalawigan.

Ayon kay Perfecto Liquiran, tagapagsalita ng Pangasinan Mango Farmers, aktibo nilang minomonitor ang sitwasyon upang mapanatili ang mataas na kalidad at presyo ng mangga sa merkado.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ibinahagi ni Liquiran na mataas pa rin ang farm-gate price ng mangga sa kabila ng nakaraang pag-atake ng mga peste tulad ng cecid fly, hoppers, at thrips, na pangunahing sumisira sa mga bunga.

--Ads--

Ipinaliwanag din niya ang kasalukuyang mga hakbang na ginagawa ng kanilang grupo upang maprotektahan ang mga pananim.

Kung saan number one pa rin ang monitoring at preventive interventions at sa ngayon, wala pang natuklasang kemikal na ganap na epektibo laban sa cecid fly, kaya mahalaga ang agarang pag-aani ng mga apektadong pananim.

Ayon kay Liquiran, dahil sa kakulangan ng supply bunga ng mga nakaraang peste at bagyo, kulang na kulang ang mangga sa merkado, kaya minsan umaabot pa sa mga supplier mula sa Davao ang kanilang kinakailangang stock.

Gayunpaman, naniniwala siya na magiging maayos ang ani sa susunod na season, lalo na sa pagdating ng summer, kung saan inaasahang bababa na ang pag-atake ng mga peste sa paligid ng 5%.

Ayon sa kanya, ang ilan sa mga magsasaka ay nakabawi na sa kanilang ani, ngunit marami pa rin ang nangangailangan ng tulong at suporta.

Mensahe naman nito sa kapwa magsasaka, na sapanahon ng ganitong pagsubok, laban lang dahil ang nagwawagi ay hindi umaayaw.