Dagupan City – Dumating si Secretary of Department of National Defense Gilberto Teodoro Jr. upang saksihan ang gagawing Alternate Landing Zone (ALZ)-Highway Landing Operations sa Pangasinan.

Magho-host ang Pilipinas ng isang makasaysayang highway landing operation na isasagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang US Special Operations Forces na ginanap sa bayan ng Laoac.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isang US C-146 Aircraft ang aktwal na lalapag sa isang highway sa bansa, at ikalawang beses sa Asya na isasagawa ang ganitong operasyon kasama ang pwersa ng isang partner na bansa.

--Ads--

Layunin ng training na ito na ihanda ang AFP para sa aircraft landings sa mga highway at road networks para sa mga operasyon ng Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR), emergency response, at pangangailangan sa pambansang depensa.

Dagdag pa, palalakasin nito ang interoperability, air mobility capability, at rapid deployment readiness ng US at Philippine forces.