Lumabas sa mga dokumento mula US Department of Justice na binayaran ni late sex offender Jeffrey Epstein ang isang grupo na nakabase sa Pilipinas para maitago ang mga ‘di umano’y illegal na aktibidad nito sa internet.
Kabilang sa mga nakita ay pag-uusap nila Epstein at Al Seckel via email.
Si Seckel ay ang asawa ng babaeng kapatid ng nobya ni Epstein na si Ghislaine Maxwell.
Nabanggit dito ni Seckel na nakikipagtulungan ito sa isang grupo para maitago ang mga di umano’y krimen ni Epstein sa internet.
Ito ay sa pamamagitan ng pagpromote ng mga positibong impormasyon na may kinalaman kay Epstein.
Sa isang email na nakapetsa noong December 7, 2010, kabilang na sa mga naharangan ng Google suggests ay ang mga katagang ‘jeffrey epstein jail’ at ang ‘jeffrey epstein pedophile.’
Naisagawa ang naturang cover-up sa paggawa ng maraming links sa mga website at pages na kanilang ginawa patungkol sa nasabing sex offender.
Kanilang binigyan diin sa pamamagitan nito ang mga aktibidad na kinasasangkutan ni Epstein sa iba’t ibang larangan, katulad na lamang sa siyensya at palakasan.










