Dagupan City – Pinaiigting ng lungsod ng Dagupan ang pagpapatupad ng waste segregation sa sektor ng negosyo bilang bahagi ng solid waste management.
Ayon sa mga awtoridad, ang tamang paghihiwalay ng basura ay obligasyon ng lahat ng establisimyentong nagpapatakbo sa lungsod.
Binibigyang-diin na ang mga negosyo ang unang linya sa implementasyon.
Kailangan itong maisama sa pang-araw-araw na operasyon, mula sa pinanggagalingan ng basura hanggang sa tamang pagtatapon nito.
Sa isinagawang pagtitipon, dumalo ang kinatawan ng mga hotel, restaurant, paaralan, ospital, pamilihan, transport groups, at barangay.
Layunin nito na palakasin ang ugnayan ng pamahalaan at pribadong sektor para masigurong nasusunod ang umiiral na patakaran sa kalinisan.
Binigyang-diin ng lungsod na walang sektor ang exempted sa polisiya.
Inaasahang sa tuloy-tuloy na koordinasyon at disiplina, mas magiging maayos ang pamamahala ng basura at mas mapapangalagaan ang kapaligiran ng Dagupan.Lungsod ng Dagupan, pinapalakas ang koordinasyon sa mga negosyo para sa waste segregation










