Dismayado si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon nang matuklasan ang ilang mga infrastructure projects sa Bicol Region ang hindi tinapos ang konstruksyon.

Kabilang na rito ang Malabog Flyover na sinimulan noong 2021 subalit inabando na ito.

Giit ni Dizon na malinaw itong pinabayaan dahil 12% lamang ang natapos sa dapat 700-meter kahabang proyekto.

--Ads--

Umaabot ang pondo nito sa P159 million.

Ayon sa report, ang proyektong ito ay hawak ng dalawang contractor ay kabilang sa 15 contractors na dawit sa maanumalyang flood control projects.

Ito ay ang HI-TONE Construction and Development Corp. na pagmamay-ari ni Christopher Co na siyang kapatid naman ni dating kongresista na si Zaldy Co.

Hinawakan din ng Alpha and Omega General Contractor and Development Corp. ng mga Discaya ang naturang proyekto.

Samantala, sasaialim sa rebidding ang proyekto para sa mga bagong maghahawak na contractors nito.