Dagupan City – Nabaril ng hindi pa nakikilalang suspek na sanhi ng pagkasawi ng isang 53-anyos na ahente ng lupa malapit sa kanyang bahay sa bayan ng Rosales.
Kinilala ang biktima na residente rin ng nasabing lugar.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek bago naganap ang pamamaril.
--Ads--
Habang paalis na ang biktima, bigla umanong bumunot ng baril ang suspek at dalawang beses na pinaputukan.
Nagpaputok pa umano ang suspek ng ilang beses bago tuluyang tumakas.
Dahil sa pangyayari nagkaroon ng tama ng baril sa kanyang katawang kung saan nadala pa ito sa pagamutan ngunit idineklara ring dead on arrival.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng suspek.










