Kumpiyansa si Vice President Sara Duterte na hindi aabot sa kaniyang opisina ang mga imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga anomalya sa flood control projects.

‘Sigurado ako, hindi aabot sa akin ang flood control scandal’ – VP Sara

Aniya, wala namang naging partisipasyon ang Office of the Vice President sa mga proyektong ito kahit pa noong siya ay kalihim pa ng Department of Education (DepEd).

--Ads--

Kahit din itanong sa mga contractors o maging kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na wala talagang proyekto sa ilalim ng kanilang opisina.

Nauna na rito, nanindigan din si Duterte na hindi naman nagtatrabaho si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. simula nang malulok ito bilang Pangulo.

Aniya, sa mga naging pagpupulong, walang inilalatag na plano at hindi aniya nagtatanong si PBBM sa mga gabinete nito kung ano na ang mga programang kanikang dapat matapos at magawa para sa taong bayan.

Ito aniya ang pangunahing dahilan kung bakit walang direksyon ang kasalukuyang administrasyon.