Binigyang-diin ni expert witness Atty. Alexander Cabrera na bahagi ng integridad ang pagsunod sa batas, kabilang ang pagbabayad ng buwis, sa ika-37 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Biyernes.

Bilang tugon sa tanong ni House prosecutor Atty. Chel Diokno, sinabi ni Cabrera na bagama’t mabigat ang pagbabayad ng buwis, mahalaga ito dahil nakatutulong sa pagpopondo ng imprastraktura, mga ospital, serbisyong medikal at edukasyon.

Ayon sa forensic analyst, mas mataas ang tax rate para sa mga indibidwal na nasa 35 porsiyento kumpara sa 25 porsiyento para sa mga korporasyon.

--Ads--

Ani Atty Cabrera, “Integrity has a cost.”

Nauna nang inilahad ni Cabrera sa impeachment court ang kanyang pagsusuri na nagtaya sa umano’y hindi naideklarang yaman ni Duterte na nagkakahalaga ng P817.8 milyon.