Ikinaaalarma ngayon ng Department of Justice ang aabot sa milyun-milyong indibidwal na gumagamit ng pekeng Person’s With Disability card o PWD ID sa bansa.

Ayon kay Chief State Counsel Dennis Arvin Chan, ikinababahala ng kagawaran ang natanggap na datos mula sa National Council on Disability Affairs o NCDA.

Aabot kasi aniya sa higit walong milyon katao ang natuklasan gumagamit ng pekeng PWD ID sa Pilipinas kumpara sa 2.8-milyon rehistradong PWD lamang.

--Ads--

Kaya’t tinatayang mayroon 6 na milyong discrepancy o pagkakaiba mula sa naturang bilang ng mga peke at tunay na rehistrado.

Kasabay nito’y nagpaalala ang Department of Justice sa sinuman sangkot o gumagamit ng napatunayang pekeng PWD Card.

May pananagutan aniya ang mga ito sa batas na posibleng maharap sa mga reklamong falsification of public documents, estafa at graft and corruption.

Para naman sa mga negosyante, maaari aniyang lumapit sa kanilang lokal na pamahalaan para maipa-validate ang ID kung ito’y kahina-hinalang peke.