Dagupan City – Nakatakdang magsagawa ng isang veterinary medical mission ang Alaminos City Veterinary Office sa ganap na Setyembre 29, 2025, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, na gaganapin sa City Veterinary Office, Slaughterhouse Compound, Sabaro, Poblacion, sa naturang lungsod.

Ang aktibidad ay bahagi sa pagdiriwang ng World Rabies Day na may temang “Act Now: You, Me Community” upang tulungan ang pagkontrol ng rabies sa komunidad.

Kabilang sa serbisyo ay ang Libreng Anti-Rabies Vaccination (para sa mga alagang 3 buwan pataas, walang sakit),Pet Registration, Deworming, Konsultasyon, Vitamins, Castration (para sa lalaking aso at lalaking pusa), at iba pa.

--Ads--