Ipinaabot ng actor na si Jon Lucas ang kaniyang saludo sa dalawang delivery personnel na nagsauli ng nahulog niyang wallet.

Kung saan ibinahagi ni Jon sa social media platform ang kuwento sa likod ng pagkakasauli sa kanyang wallet.

Ayon kay Jon, inihatid niya ang kanyang mga anak sa eskuwelahan at nagkataong malakas ang ulan.

--Ads--

Nang nag-park ito sa isang mini-grocery store upang bumili ng kapote para sa mga bata, doon daw napansin ni Jon na wala na ang kanyang wallet.

Nataranta raw ito dahil nasa wallet ang kanyang lisensiya.

Makalipas ang halos sampung minuto, nag-message daw sa asawa niya ang dalawang delivery riders na taga-deliver ng mineral water sa lugar nila. At sinabing napulot ng mga ito ang wallet ni Jon.

Dito na ibinahagi ni Jon na ang nangyaring ito sa kanya ay nagpaalala na kahit anong sama ng nangyayari sa mundo, marami pa rig mabubuting tao.